Kaiingat kayo by andres bonifacio biography
The american regime.
La solidaridad
Talambuhay ni Marcelo del Pilar
Panulat ang naging sandata ni Marcelo del Pilar upang makatulong sa ikalalaya ng Pilipinas noong panahon ng Kastila.
Ipinanganak siya sa Bulacan, Bulacan noong Agosto 30, 1850.
Ama niya si Juan Hilario del Pilar, tatlong ulit na naging gobernadorcillo, at ina naman niya si Blasa Gatmaytan.
Mayaman ang pamilya del Pilar kaya natustusan ang pag-aaral ni Marcelo. Tinapos niya ang Bachelor of Arts sa Colegio de San Jose.
Ang nasabing kurso ay itinuloy niya sa Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang magtatapos na sa abugasya ay sinamang palad na masuspinde si Marcelo at mabilanggo ng 30 araw nang makipagtalo siya sa Kura ng San Miguel tungkol sa pagtataas ng bayad sa pagbibinyag.
Ang galit niya sa pamahalaang Kastila at sa mga prayleng Espanyol ay nadagdagan nang mapagbintangang kasangkot sa Cavite Mutiny ang kapatid niyang si Padre Toribio del Pilar.
Ang karahasang tinanggap ng magkapatid ay dinamdam at ikinamatay ng ina ni Marcelo.
Nan